Wednesday, November 12, 2008

Karanasan sa MRT

Hay dami na ngang experiences! may mga nakakatawa, meron ding hindi! merong ang sarap balikan, meron ding nakakasuka~! hahaha..
Minsan isang umaga naalala ko lang, sa may kabihasnan pa ako nakatira malapit sa Makati! hay tanghali na naman ako..hirap pa man ding sumakay ng MRT pag ganong oras na kc sobrang siksikan na...pinilit kong makipagsiksikan sa pangatlong tren na dumaan.. grabeh di ko maimagine...halos magkakadikit na ang mukha..merong nakaharap sa kilikili ng katabi, meron ding magkaharapan...kaya sobrang nakakatawa tlga!! may bad breath na pasahero rin, umagang umagang panira sa hangin at aircon!..sa kasagsagan ng siksikan, natural lang na hindi muna pansinin ko anong kalagayan mo o itsura mo sa loob...pero may isang karanasan na hindi ko maatim na baliwalain! minsan bago ako sumakay ng MRT, dumadaan muna ako sa Comfort Room (haha buong buo)....heheh para magbawas ng gasolina...may isang lalaki na tingin ng tingin..patay malisya ako...kc ano bang pakialam ko sa mga katabi ko...hahahah
hintayan ng tren..andoon rin ang peste!...lumilingon sa likod at bahagyang sumusulyap sau...di ko na kaugalian na sumakay ng tren kapag siksikang -siksikan..pero..nyahahhahaha..tatlong tren na ang dumaan....siksikan pa rin..malilate na ako!!! kaya sa pang-apat nakisiksik na rin ako.......(tuloy ko na lng bukas antok na ako..)

Friday, October 24, 2008

Di na tuloy!! hehehe

Gaya ng sinabi dati..iba-blog ko kung natuloy kami ng barkada ko sa Bulacan...sad to say.....HINDI!!!!!..hahahahah... natatawa na lang ako.. Binalak namin pero talaga hindi natuloy. Pero ok lang..I believe that was part of God's plan for us...eh kung natuloy eh di for sure, nalasing na naman ako, hehehe. Si barkadang isa, nagtext at nagsabi one week we before the trip na baka daw di sya makasama..so we understand naman the situation, but we were still looking forward to continuing the GIMIK..hehehe. Si barkadang pangatlo at ako ay positive na positive na matutuloy, sabi pa nmin, "di bale, kahit tayong 3 na lang basta tuloy pa rin tayo!".. heheh
Eh nung time na paalis na kmi..usapan namin...kaming 3 balak sanang tumuloy ay magkikita sana sa Baliwag terminal bandang 7:00 ng gabi ay naunsyami na naman.. nagtext sakin si barkadang 2 nung umaga na hindi daw sya makakasama kc dumating nanay nya eh may reunion daw sila..hayy...buhay.....nakakadissapoint! heheh pero ok lang...kailangang intindihin ang mga kaibigan di ba??? kaya kami ni kabarkadang pangatlo ay nagpasya na wag na lang ituloy..sabi namin...siguro next time na lang..heehhehe kakadissapoint man dahil akala ko makakapagliwaliw na ako eh OKz lang.... basta next time pilitin talaga namin matuloy!

nakakahiya tuloy sa magulang ni kabarkadang pangatlo kc ipinagluto na daw kami ng makakain eh para pagdating namin don eh tamang makakain kami ng hapunan...hehehe

i apologize na lng sau kabarkadang pangatlo!

di bale may next time pa naman......

Tuesday, October 21, 2008

Kalimot +++


mula ng nagawa ko ang isang bagay na yon..............nagulo ang buhay ko, naging sobrang destructive talaga...at hindi ko alam kung papaano ako babangon sa pagkakamaling iyon... at haharapin ang mga nangyaring yon...mula non, nawalan ako ng gana sa lahat, sa pag-aaral, sa trabaho, sa pangarap, sa mga taong nakapaligid sa akin, nawalan ako ng ganang mangarap, nawalan ako ng gana sa lahat ng ginagawa ko....naging malabo ang direksyon sa buhay ko, para bang hindi ko ito makita kahit anong isip at gawin....nangingibabaw ang panlulumo at nagsisisi sa lahat ng nangyari.... mula rin noon, uminom na ako ng uminom...laging lasing..to the point na hindi narerealize ko rin na wala rin talagang magagawa ang alak..pero para sa akin kahit sandaling paglimot man lng....walang tigil sa pagkitkit sa utak ang mga pangyayaring iyon...kahit sa pagtulog madalas kong napapanaginipan..binabangungot ng mga pangit na alaalang iyon...para akong masisiraan ng bait talaga...Napalayo ako sa Panginoon at lagi ko syang kinu-question kung bakit nangyari sakin ang mga bagay na yon? Pinahintulo't nya ba??? Ewan di ko maisip!....Minsan di ko na kilala ang sarili ko... at hanggang ngaun di pa rin ako tinitigilan ng mga pangit na alaalang iyon! para silang mga multo na susugod at magpapakita sa akin..habang nangangatal ang mga tuhod ko sa takot..gusto kong takasan ngunit kahit kailan di ko magagang takasan..anino ko na at bunto't...wala akong magawa kundi iiyak na lang ang mga iyon kapag ako ay nag-iisa....wala akong mapagsabihan eh...di ko rin minsan alam kung nakikinig Sya at kung mahalaga ba ako sa Kanya...bakit Nya ako hinahayaan na masaktan ng ganito...sa bagay ako ang may kasalanan.........wala akong magawa kundi tiisin na lang ang lungkot...hahahaha ang lungkot talaga! tantanan mo na AKO!!!! (kung may gamot lang na "Kalimot")


gusto kong bumangon, tumayo ulit pero di ko malaman kung san ako kukuha ng lakas..

Nagdarasal ako sa Kanya na sana maging masaya ako at makayanan ko lahat ng ito...maging maayos ang lahat.


Sa ngayon...alam ko na wala akong choice kundi lampasan ang lahat ng ito....ipinaubaya ko na sa Dyos ang lahat! Gusto kong ilagay sa tama ang lahat...kung anuman ang mga nangyari..tanggapin ang mga yon na positibo at pagkuhanan ng aral.... upang di na maulit ang pagkakamaling iyon!









Thursday, October 16, 2008

Trip to Bulacan..yehey!!!



Yehey! ...four days na ako absent sa school, pano kc.....i'm finished with all my subjects. 14 units lng nmn kinuha this 1st semester eh, nonsense rin kung papasok ako tas tatambay lng sa skul or sa room...hay..Pahinga ko na lng..Sarap talaga ng pakiramdam na nalampasan ko ang unang semetre ng pagiging adik na studyanteng nagtatrabaho! hahhhhaha..

Ngayon exciting kc punta kmi mamaya ng barkada ko sa Bulacan...wala lang trip lang, relax ng konti don at reward na rin sa sarili after ng isang semestreng puro aral at trabaho, trabaho at aral, aral at trabaho....hahhahah wala ng panahong makapag-ShUtA!!!!... ewan ko lng kung matutuloy mamaya..pero sana matuloy..asar kc yong cp ko eh, ngaun ko lang naicharge,, nagluluko kc! yon tuloy wala akong contact sa knilang tatlo! Usapan namin magkikita sa Baliwag terminal sa Cubao, 7pm out na kmi lahat non sa trabaho...pero for sure iba-blog ko naman kung anuman ang mangyayari..kung natuloy man or hindi, hehheh..mga Adik rin kc ang
mga yon..

Di ko alam kung anong mangyayari mamaya..ciguro imuman na naman..pero di ako magpapakalango kung anu't ano man..sakit sa ulo ng alak eh...saka nagbabawas na talaga ako sa bisyong iyon! may dahilan eh na hindi ko mapiligilan na tigilan ang pag-inom..



Thursday, October 9, 2008

Walang pamagat! kung anu-ano!

Sa mga oras na ito, gusto ko uminom!.. makalimot man lng sandali sa mga iniisip at problema na rin... maipahinga na rin pagod na katawan..Ang daming nangyari ngaung araw na ito.. 12 pa lng ng umaga ng araw na ito gising na ako, nagpang-abot na araw kahapon at ngaun..pinilit kong magpuyat kc exam namin ngaun sa Trigo, mahirap ng bumagsak, requisite ang subject to sa mga susunod na subjects kong Math eh, hay hirap mag-aral..di naman yong pag-aaral ang mahirap eh, kundi yong buhay talaga..1 am umaga gising pa rin ako..pinipilit ipasok sa utak ang mga lessons na hindi masyado maintindihan..takot talaga ako bumagsak kc waste of time talaga kapag inulit ko ulit itong subject na....Salamat sa prof kung di ko malaman kung tamad ba talaga magturo or busy lang talaga... sabi nya bz daw siya!..Sa loob ng isang buwan, 2 beses lang yatang nagpakita samin. Aminado ako, magaling syang magturo pero yong nga lng di sya madalas magturo! Kung alam nya lng dugo't pawis na pinupuhunan ko at ng mga working students na nag-aaral pa lng mabayaran mga yunits na kinukuha nila para lang makapagtapos, pawis na pumapatak sa kanila habang nagtatrabaho, puyat na binabata para lang mapagsabay pag-aaral at pagtatrabaho..gutom na tinitiis may mapamasahe lamang at makapasok sa subject nya, tas lagi syang wala, ni minsan di ako umabsent sa kanya, umaasa kasi ako na baka papasok sya at may matutunan ako..pero wala! Engineer Santos tawag ko sa kanya dahil ginagalang ko sya! pero nung mawalan ako ng amor sa kanya..gusto kong tawagin syang Santos na lang!..hay..pero narealize ko minsan may mga ganon talagang prof,,, kaya di mo dapat iasa sa mga prof lahat ng gusto mong matutunan...sariling sikap pa rin at iturin mo na lang na yong ituturo nila ay bonus na lang sayo....Kanina nga..6 pm klase namin...hayon nag-exam kami ng finals, di ganon kahirap exam pero di ko nasagutan yong 1st problem sa test II kc di ko masagutan, hehhehe...nakaramdam ako ng pagkayamot habang nagsasagot, pinagbantay lang kc sa exam na yon ay estudyante nya...tapos harap harapan ang kopyahan..pati papel ko di ko masagutan ng maayos dahil sa mga kaklase kong linta! Naiinis ako dahil kitang kita na wala silang natutunan...parehas lang naman ng mga estudyante at prof kasalanan kung bakit wala naging pakinabang!.



Hay...araw na to..Asar talaga..kanina bago ako pumasok sa school, dali-dali ako umalis, di ko alam napaluck pala yong luck sa loob, nahihiya tuloy ako sa kasama ko..pakiramdam ko inutil talaga ako...hindi kc sya nakapasok agad...lamang nung sinira nya yong pinto...Ang tAnga-tanga! ko!!! di ko alam kung masama o asar sa katangahan ko kasama ko sa board!..nawalan na ako ng ganang kumain...gusto lang mag-inom! yong mga problemang pansarili...na para bang hindi ko kayang dalahin......gusto ko minsan umiyak dahil parang pagod na ako..di naman pisikal tinutukoy kundi emotionally....pagod ako emotionally ang hirap ng wala ka man lang mapagsabihan ng problema....o kung hindi man ang hirap ng hindi masabi ang problema...tanging sa Dyos ko lang nasasabi pero nagkakadoubt ako kung nakikinig nga ba sya..!

Pagod na talaga ako! Salamat sa blog na ito, kahit papaano nailalabas ko niloloob ko!



Pero sa bagay............sana'y naman ako mag-isa kaya nga gnito cguro ugali ko.

Sana paggising ko bukas maagan ang pakiramdam ko..

kung hindi lang ako naging Christian, cguro nasa isang sulok na ako... lasing!



bahala na bukas...kung anuman ang mangyari..maging masaya man o hindi...



hahhahah..sa huli hahalakhak pa rin ako....wala naman ako magagawa kundi lampasan ito!

hahahha ahahahahaha hahahahahhahha ahahhahhahaha



Sunday, September 21, 2008

What I can write on my blog....

Finally...busog na ako..hu! Sarap tlga kumain...We've gone from the church and what I feel right now is that I have a worthful and meaningful Sunday...It's been a long time that I haven't gone to church..and i would say na namiss ko tlga mga tao don..the fellowship with my fellow youth christian at yong spiritual renewal...I feel renewed talaga after attending the service.

Kanina while we were on the trip going back to home..I told myself na mag-aaral ako ng subject kong trigo..pero after eating our dinner, I was tempted to turn on my computer and surf the net...hay nagfriendster pa muna ng konting oras...but while I was viewing my friends profiles, biglang pumasok sa isip ko na magsulat sa blog...actually this is my second blog, I realized rin na it's a good thing to write on your blogs all your experiences, learnings that you gained and all those unforgettable things that happened to you each day.. masaya man or malungkot...I guess you can even write here what you feel or how you feel, masaya ka man or hindi..., maybe the only problem lang in writing a good blog is my time availability... as a working student na ngaun pa lng natututo ng mga diskarte especially in time management eh I find it hard to manage my time..but somehow little by little I'm learning naman.. Dami ko gusto isulat sa blog, coz I'm a quiet type of person and it's really hard for me to open up my problems, feelings kc I always make sure that the person I will count on eh talaga honest and sincere.. Gusto ko rin isulat lahat ng natutunan ko each day and all the realizations na gusto kong matandaan at magamit balang araw... cguro it is one way also of improving my personality.... Prayer and wish ko na sana I have always free time to write regularly on this blog.....cge aral na muna ako ng math..it is 9:39 pm na and I really have to read and review my lessons sa math subject ko,, hehhehe sipag ko no..kailan magsikap, heheh basta all I can say is my peace of mind ako..masaya ako ngaun kc nakapagchurch ako>>

Wednesday, September 17, 2008

namumungay na mga mata

9:44 pm na pero ngaun ko pa lng sisimulan ang first blog ko...adik talaga ako!(nasabi ko sa sarili ko)...isang basong gatas at ilang kutsarang kanin lng ang hapunan ko, namumungay na talaga mga mata ko...ang dami ko naiiisip, ang dami ko nasasabi sa sarili ko na pra ba akong hibang! kinakausap ang sarili...ganito tlga ako, tahimik...palaisip! bkit kung sino pa ang palaisip, sya pang tahimik! inaantok na ako..cguro bukas ko na lng i22loy itong blog na ito!